Songtexte.com Drucklogo

Tuwing Umuulan at Kapiling Ka Songtext
von Basil Valdez

Tuwing Umuulan at Kapiling Ka Songtext

Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak
Sa mga halama′t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim, unti-unting bumabalot
Sa buong paligid t'wing umuulan

Kasabay ng ulan, bumubuhos ang ′yong ganda
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka nang sa piling ko'y lumisan pa?
Hanggang ang hangi't ula′y tumila na

Buhos na ulan, aking mundo′y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko′y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Pagmasdan ang ulan, unti-unting tumitila
Ikaw ri′y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka't maiduyan pa?
Sakbibi ka′t ulan lamang ang saksi


Minsan pa, ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma'y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko′y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka, ha, ha, ha, ha...

(Pagmasdan ang ulan, unti-unting pumapatak)
Ha, ha, ha, ha...
La, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la, la
La, la, la, la, la, la, la, la, la

Maari bang minsan pa, mahagkan ka′t maiduyan pa?
Sakbibi ka't ulan lamang ang saksi

Buhos na ulan, aking mundo′y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo, 'di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko′y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa, ulan, bumuhos ka, huwag nang tumigil pa
Hatid mo ma′y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko'y umaapaw, damdamin ko'y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Songtext kommentieren

Log dich ein um einen Eintrag zu schreiben.
Schreibe den ersten Kommentar!

Beliebte Songtexte
von Basil Valdez

Quiz
Wer ist auf der Suche nach seinem Vater?

Fans

»Tuwing Umuulan at Kapiling Ka« gefällt bisher niemandem.